Para sakin importante lahat ng sinabi mo. Lahat ng yun tinago ko sa puso’t isipan dahil importante ka sakin. Minsan sinasabi ko sa sarili ko, “Tama na, nasasaktan ka na e. Di na nya tutuparin lahat ng pinangako nya”. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na tutuparin mo lahat ng sinabi mo, ginawa ko na ang lahat para makalimutan lahat ng pangakong binitiwan mo sakin pero nauwi lang sa wala. Bawat salitang binigkas mo, lahat ng yan tandang-tanda ko pa at lahat ng yan ay nakatatak sa puso ko kaya mas lalong masakit nung nakalimutan mo lang ang lahat. Sana di mo ako pinaasa sa mga salitang walang meaning.
Dapat talaga wala akong paki-alam sayo pero sa totoo lang hindi ko maiwasan ang mga tingin mo. Dapat di ako nagagalit kapag may kasama kang iba kasi kaibigan lang naman tingin mo sakin. Di ko maiwasan na hindi mag-alala, nag-aalala ako dahil baka may mahanap kang mas deserving kaysa sakin pero di kita maiwasan dahil gusto kita. Gusto ko pansinin mo rin ako at bigyan ng atensyon tulad ng pag bibigay ko sayo. Sana balang araw maging concern ka rin sakin. Sana makita mo rin na gusto kita … dahil ako matagal ko ng hinihintay na maging maganda naman ako sa paningin mo. Lahat ginagawa ko para maparating sayo na may pag tingin ako sayo pero hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin. Gustong-gusto ko na maging importanteng tao sa buhay mo, yung taong kinakatakutan mong mawala sayo pero sa tuwing lumalapit ako sayo bigla mo naman akong nilalayo sa puso mo.
Oo takot ako. Oo nagseselos ako. Natatakot ako na baka isipin mong mas maganda sya sakin. Nagseselos ako kasi baka makita mong mas nakakawili sya kaysa sakin.
Ang simula ay laging nakakatakot at ang wakas ay madalas malungkot pero lahat ng nangyari sa pagitan ng simula at wakas , ayun ang mas mahalaga.
Sabi ko sarili ko kakalimutan na kita pero ang totoo kahit pilitin ko man ang sarili ko mismong puso ko ang nagsasabing ‘wag’. Sabi ko ayaw na kitang isipin pero ang totoo gusto kong malaman kung iniisip mo ba ako. Kasi sa totoo lang gusto kong malaman kung ano bang iniisip mo at kung anong nararamdaman mo. Sa huli ako pa rin ang magsisisi kasi choice kong iwasan at kalimutan ka kahit na alam kong masasaktan ako at mamimiss kita.
Nilagyan pa ng haha pa sa dulo.
Ang sarap matuto kapag yung taong mahal mo mismo ang nagtuturo sayo dahil pag sya ang nag tuturo sayo may pagmamahal at alagang kasama yun. Masayang matuto kapag ganyan kasi marami kayong memories na nabubuo na pwede nyong balikan at tawanan pagkatapos ng ilang taon. Mas magiging close pa kayo sa isa’t-isa dahil habang natututo ka, mas lalo nyong nakikilala ang pagkatao ng isa’t-isa.
Kung mahal ka talaga ng isang tao , kahit busy sya, bibigyan ka nya ng time kahit na minsan parang imposible na dahil sa sobrang daming gagawin. Minsan sa sobrang pagka-busy ng taong nasa isang relasyon nakakalimutan nya na yung mga bagay na dati nyong ginagawa. Madalas, sobrang sakit kasi feeling mo wala na syang time para sayo. Nakakatampo kasi feeling mo di ka nya namimiss kahit na alam mong may mga importanteng bagay syang ginagawa. Di naman maiiwasan magtampo sa mga sitwasyong tulad nito. Ang mahirap sa taong sobrang busy ay yung hindi nya nasusubaybayan ng maayos yung taong minamahal nya. Marami syang di nalalaman at marami syang di masusubaybayan tulad ng estado ng relationship nyo.
Sino ba namang magkakagusto sakin? Tignan mo itsura ko, ang layo sa standards mo malamang di mo ako magustuhan. Ang sakit isipin na umasa ako na baka may chance ako sa puso mo pero mali ako. Kala ko kasi nahanap ko na yung taong gusto rin ako, yung magmamahal sakin pabalik pero mali na naman ako. Sorry kung di sapat ang itsura ko sa sayo, pasensya ka na rin kung mas napapasaya ka pa ng iba kaysa sakin. Sana makahanap ka ng mag mabuti kaysa sakin.
Present : Makes you develop your full potential. It makes you set goals for the future. If you focus your mind right now, it will help you grow as a strong individual needed in the future. It is important that you help yourself realize things to avoid looking back in the past, instead, move on and go forward.
Past : Makes you weaker. It reminds you of things that you SHOULD HAVE DONE. Past events will give you flashbacks that could hurt your feelings emotionally, it will make you regret things that you had done or should have done. If you keep looking back in the past , your present will be chaotic and the same goes with your future.
Future : Helps you achieve goals presently as an individual. It gives you the idea to keep going forward to see a better tomorrow. It helps you set goals that you want to happen. And it helps you dream and believe in yourself to become a better person than the past.
Kapag tinetext ka nya sa umaga o tinawagan. Yung lagi ka nyang chinecheck kung ok ka lang. Lagi syang nag-aalala kahit na wala naman masamang nangyayari sayo.Kapag may problema ka,nandyan sya para magbigay ng advice. Kapag nahihirapan ka tinutulungan ka nya kahit na kaya mo naman. Ang sarap nung feeling ng ihahatid ka nya sa bahay nyo para sure sya na safe ka. Alam ko yung iba, ayaw nila ng ganyan, pero sakin ang cute kasi feeling ko napaka-special ko.