Hindi pwedeng ikaw lagi ang magaling. Hindi lahat ng biyaya sayo lang nakalaan. 

Yung tinutukso ka sa crush mo ng mga kaibigan mo, kunwari naiinis ka pero ang totoo gustong-gusto mo naman. 

Para sakin importante lahat ng sinabi mo. Lahat ng yun tinago ko sa puso’t isipan dahil importante ka sakin. Minsan sinasabi ko sa sarili ko, “Tama na, nasasaktan ka na e. Di na nya tutuparin lahat ng pinangako nya”. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na tutuparin mo lahat ng sinabi mo, ginawa ko na ang lahat para makalimutan lahat ng pangakong binitiwan mo sakin pero nauwi lang sa wala. Bawat salitang binigkas mo, lahat ng yan tandang-tanda ko pa at lahat ng yan ay nakatatak sa puso ko kaya mas lalong masakit nung nakalimutan mo lang ang lahat. Sana di mo ako pinaasa sa mga salitang walang meaning.

Dapat talaga wala akong paki-alam sayo pero sa totoo lang hindi ko maiwasan ang mga tingin mo. Dapat di ako nagagalit kapag may kasama kang iba kasi kaibigan lang naman tingin mo sakin. Di ko maiwasan na hindi mag-alala, nag-aalala ako dahil baka may mahanap kang mas deserving kaysa sakin pero di kita maiwasan dahil gusto kita. Gusto ko pansinin mo rin ako at bigyan ng atensyon tulad ng pag bibigay ko sayo. Sana balang araw maging concern ka rin sakin. Sana  makita mo rin na gusto kita … dahil ako matagal ko ng hinihintay na maging maganda naman ako sa paningin mo. Lahat ginagawa ko para maparating sayo na may pag tingin ako sayo pero hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin. Gustong-gusto ko na maging importanteng tao sa buhay mo, yung taong kinakatakutan mong mawala sayo pero sa tuwing lumalapit ako sayo bigla mo naman akong nilalayo sa puso mo.

Oo takot ako. Oo nagseselos ako. Natatakot ako na baka isipin mong mas maganda sya sakin. Nagseselos ako kasi baka makita mong mas nakakawili sya kaysa sakin.

Ang simula ay laging nakakatakot at ang wakas ay madalas malungkot pero lahat ng nangyari sa pagitan ng simula at wakas , ayun ang mas mahalaga.

Sorry ka na naman. Pagod na ako makinig sa mga kasinunggalingan mo. 

Love na yan kung sobra ka nang nasasaktan at itinatago mo pa. 

Sabi ko sarili ko kakalimutan na kita pero ang totoo kahit pilitin ko man ang sarili ko mismong puso ko ang nagsasabing ‘wag’. Sabi ko ayaw na kitang isipin pero ang totoo gusto kong malaman kung iniisip mo ba ako. Kasi sa totoo lang gusto kong malaman kung ano bang iniisip mo at kung anong nararamdaman mo. Sa huli ako pa rin ang magsisisi kasi choice kong iwasan at kalimutan ka kahit na alam kong masasaktan ako at mamimiss kita.

Yung kala mo totoo yung feelings nya para sayo pero joke lang pala. 

Nilagyan pa ng haha pa sa dulo.

Ang sarap matuto kapag yung taong mahal mo mismo ang nagtuturo sayo dahil pag sya ang nag tuturo sayo may pagmamahal at alagang kasama yun. Masayang matuto kapag ganyan kasi marami kayong memories na nabubuo na pwede nyong balikan at tawanan pagkatapos ng ilang taon. Mas magiging close pa kayo sa isa’t-isa dahil habang natututo ka, mas lalo nyong nakikilala ang pagkatao ng isa’t-isa.

Kung sino yung walang alam sya pa yung maraming sinasabi. 

Ang cute. 

Kapag tinetext ka nya sa umaga o tinawagan. Yung lagi ka nyang chinecheck kung ok ka lang. Lagi syang nag-aalala kahit na wala naman masamang nangyayari sayo.Kapag may problema ka,nandyan sya para magbigay ng advice. Kapag nahihirapan ka tinutulungan ka nya kahit na kaya mo naman. Ang sarap nung feeling ng ihahatid ka nya sa bahay nyo para sure sya na safe ka. Alam ko yung iba, ayaw nila ng ganyan, pero sakin ang cute kasi feeling ko napaka-special ko.

May pakialam pa rin ako sayo, wala ka pa rin pakialam sakin.